Magandang hapon sa ating lahat--sa ating mga panauhin, sa lahat ng mga kapwa ko guro sa unibersidad, at sa mga studyanteng binitbit ng kanilang mga guro at tila napilitang makinig sa aking pananalita. Huwag kayong mag-alala. Ilang pahina lang ito.
Una sa lahat ay gusto kong pasalamatan si Prof. Erma Lacorte na siyang curator ng Sining Makiling Gallery sa imbitasyon na ako ay magsalita sa inyong harapan ngayon sa pagbubukas ng ekshibit ng installation art ng aking dating guro na si Alfredo Juan Aquilizan, at ng kanyang butihing asawa na si Isabel Aquilizan. Itinatampok ng kanilang ekshibit ang mga bagay na kinolekta nila mula sa mga kaibigan at kakilala at isinalansan sa mga balikbayan box, isang ordinaryong bagay na naging simbolo na ng mga pangarap at karanasan ng modernidad ng mga Pilipino. Sila ngayon ay kabilang na sa milyon-milyong Pilipino na nakakalat sa iba’t-ibang lupalop ng mundo. At walang pagbabadya na ang pangingibang-bayan ng mga Pilipino ay titigil sa mga susunod na taon dahil wala rin namang pagbabadyang nabigyan na ng solusyon ang kawalan ng trabaho na siyang pangunahing dahilan sa pagalis ng karamihan sa atin.
Noong panahon na tayo ay nasa ilalim ng mga Amerikano, mga magsasaka ang unang ipinadala sa Hawai’i para magtanim sa kanilang mga pinyahan. Noong panahon ni Marcos, mga lalaki ang karamihan na umalis palipad ng Saudi. Sinundan ito ng mga babaeng nars sa Amerika at Europa, pagkatapos ay ang mga domestic helper sa mga kalapit na bansa sa Asya. At sa kasalukuyan nga ay kabilang na rin ang mga taga-likha ng sining sa mga migranteng Pilipino. Sa tingin ko, kapag mga alagad na ng sining ang umalis para manirahan sa ibang bansa, ika nga ng iba, baka sa kangkungan na tayo pulutin. Para tayong mga bulag--dahil ang kanilang mga likha ang nagsisilbing mga mata natin--kung paanong bigyang kahulugan ang ating mga realidad.
Ito ang ating realidad: may sampung milyong Pilipino na nasa labas ng bansa, at karamihan sa kanila ay para magtrabaho at manirahan doon ang rason. Sampung milyon. Halos kasing laki ng kabuuang populasyon ng mga bansang Portugal, Belgium, Austria at Sweden. Ang bilang ng mga taong ito ay kayang gawing ghost town ang buong kamaynilaan o NCR. Sabi nga ng iba, kung mayroon lang trabaho kahit sa buwan ay makakakita ka ng Pilipino doon. Sino ba sa atin ang walang kapamilya, kaibigan o kakilala na hindi overseas Filipino workers o OFW?

Isa sa mga unang OFW Film: Miss X (1980) |
Sa pamilya ko lang, ang tatay ko, bata pa lang ako, ay lumipad na sa Amerika para hanapin ang “milk and honey.” Ngayon, mukhang bata na lang ako, lahat ng mga pinsan kong lalaki ay nasa ibang bansa rin bilang mga iniinyero at seaman. Marami rin akong mga kaibigang nangibang-bansa at mangingibang-bansa. Kadalasan ay para mag-aral, pero marami rin sa kanila ang dahilan ay para maghanap ng trabaho.
Pamilyar na siguro tayo sa diskurso na mga naririnig sa media na ang pangunahing dahilan ng pagalis ng mga Pilipino ay ang kakulangan ng trabaho sa bansa. Lumang tugtugin na ‘to, ika nga. 1974 pa lang, nang opisyal na payagan ni Marcos ang pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Middle East, ito na ang sinasabing dahilan. Saka para gatasan sila at patabain ang foreign reserves ng bansa. Noong 1995, dala ng maigting na batikos ng mga tao sa nangyaring kapabayaan ng gobyerno sa kaso ni Flor Contemplacion, isang domestic helper na binitay sa Singapore sa salang pagpatay, dali-daling ipinasa ng kongreso ang Migrant Workers Act kung saan nakasaad mismo sa batas ang dahilang ito. Sabi rin doon, ang pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino ay pansamantalang solusyon lamang sa kawalan ng trabaho at pandagdag sa mababang foreign reserve ng bansa sa pamamagitan ng mga ipinapadalang remittance ng mga OFW. Pero ilang dekada na ang lumipas, wala pa ring ibang solusyon ang estado sa mga problemang ito. Ang panandaliang solusyon ay naging pangmatagalan.
Ang aking maikling pananalita ay patungkol sa diasporang Pilipino at ang ekspresyon nito sa mga anyo ng sining, partikular sa mga pelikulang tinawag kong OFW Films. Bahagi ito ng aking naging pag-aaral para sa aking Master’s thesis sa Diliman. Ang aking pagtalakay ay iikot sa mga diskurso ng pangingibang-bansa sa mga pelikula at ang relasyon nito sa naratibo o diskursong pinapalaganap ng estado tungkol sa pangingibang-bansa.
Diaspora at Sining

Ayon kay Epifanio San Juan, Jr., ang mga Pilipino ang pinakabagong ‘diasporic community’ sa mundo na karamihan ay binubuo ng mga migranteng manggagawa o OFWs. Ngunit hindi tulad ng mga naunang diaspora ng mga Hudyo, Intsik, Aprikano, o mga Palestino, ang diasporang Pilipino ay produkto ng “transnational, global capitalism.” Sa kanyang paliwanag, sinabi niya na dahil sa ‘economic liberalization’ na ipinataw ng mga institusyong nagpapautang sa ating bansa--ang International Monetary Fund at World Bank--hindi na lamang mga produkto ang malayang dumadaloy sa pandaigdigang merkado, kundi pati na rin ang mga manggagawa. Sa madaling sabi, nagiging produkto na rin mismo ang mga Pilipinong manggagawa na inilalako ng sarili nitong estado.
Ang salitang ‘diaspora’ay hango sa katawagan sa mga Hudyo noong sila ay pinaalis mula sa Israel ng mga Babylonian noong 607 BC. Sa ngayon, ang salitang ito ay nangangahulugan ng malawakang pandarayuhan o pagkalat ng mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa mga partikular na kadahilan, pangunahin na nga ang paghahanapbuhay--buhay na hinahanap sa labas ng bansa dahil hindi ito mahanap sa sariling bayan.
Para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, ang sining bilang kultural na pagpapahayag ay isa sa mga nagsisilbing lubid na nagbibigkis sa kanila at sa pinagmulang bansa. Para sa mga manlilikha ng sining katulad ng mag-asawang Aquilizan, ito ay daluyan ng pagpapahayag, o ‘medium of expression’ ng kanilang mga agam-agam tungkol sa pamumuhay sa ibayong dagat, ang paghahanap at pagbuo ng bagong pagkakakilanlan, o mga bagong pamamaraan ng ‘de-identification’ at ‘re-identification’. Ginamit nila ang sining bilang paraan ng pagangkop sa bago nilang buhay sa ibang bansa. Ito ay ayon kay Hou Hanru, isang curator at kritiko.
Ang pangungulila, pagbuo ng pagkakakilanlan, pananabik sa pinagmulang bayan, at ang konsepto mismo ng bayan o bansa ay ilan lamang sa mga temang madalas lumilitaw sa mga likha ng mga Pilipinong nasa ibang bansa. Ang mga ganitong akda ay kabilang sa tinatawag na “diaspora art,” na ayon kay Sieglinde Lemke, isang may-akda at guro sa isang unibersidad sa America, ay minsang nagpapahayag ng pangungulila sa tahanan o pinagmulang bayan; madalas ang diaspora art ay sinusubukang bumuo ng kolektibong pagkakakilanlan mula sa iba’t-ibang realidad na nararanasan nila. Makikita dito ang patuloy na pagbubuo ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino o Filipino identity, na simula’t sapul ay hindi umiiral. Base sa isang diskusyon sa aking kapwa guro na si Prof. Dumlao, kung susuriin ang ating kasaysayan, palaging mga ipinataw ng dayuhan o di kaya nama’y ng isang uri lamang ng mga Pilipino ang ating pagkakakakilanlan. Hindi pa nabubuo ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Bukod sa installation art na ito, may mga Pilipino ring ginagamit ang pagsusulat ng tula, maikling kwento, o nobela para bigyang kahulugan ang karanasan ng mga Pilipinong nasa ibayong dagat. Si E. San Juan, Jr. ay may mga tula tungkol sa mga migranteng Pilipino. Ang iba namang manunulat ay ginagamit ang panitikan para labanan ang kalungkutan at para malagpasan ang bawat araw sa ibang bansa.
Bukod sa panitikan, may mga direktor ng pelikula rin na piniling magtrabaho sa ibang bansa pero patuloy pa rin sa paggawa ng mga pelikula. Ang experimental filmmaker na si Chris Gozum, dating guro sa Dept. of Humanities, ay isa sa mga ito. Kakikitaan ang kanyang pelikula ng halong pangungulila sa iniwang pamilya at pananabik na sila’y makita muli. May mga napanood din akong pelikulang gawa ng mga Fil-am, katulad ng The Debut kung saan itinatampok ang pamumuhay ng mga Pilipinong pinili nang permanenteng manirahan sa Amerika.
Ang mga halimbawang ito ay maaari rin namang basahin bilang sintomas ng malubhang pagkukulang ng estado sa mga tao tulad ng pagsisigurado ng trabaho para sa mga manggagawa at suporta sa sining para sa mga tagalikha nito.

Ang pelikula bilang popular na sining
Ito rin ay maaaring isang paliwanag sa mga naglipanang OFW Films, o mga pelikulang patungkol sa mga migranteng Pilipino. Isang pagbasang iminungkahi ni Prof. Dumlao. Ang pelikula, bagama’t hindi kabilang sa tradisyunal na sining, ay itinuturing na popular na sining dahil sa pagiging accessible nito sa mga tagapanood. Dahil ang mga Pilipino ay likas na mahilig manood ng pelikula, na minsan na ngang binansagan ni Joel David, isang kritiko ng pelikula at propesor, na ‘national pastime’ natin, importanteng pagaralan ang mga diskursong nakapaloob dito dahil sa malaking posibilidad na ito ay nakakaimpluwensiya kung paano naiintindihan ng mga tao ang mga realidad na kanyang kinapapalooban.
Sa kaso ng OFW films, nagtatampok ito ng mga kathang-isip na naratibo ng mga karanasan ng pangingibang-bayan at naka-sentro ito sa OFW character. Karaniwan sa mga pelikulang ganito ay nakatutok sa babaeng OFW na nagbibigay-diin sa peminisasyon ng paggawa, at karaniwan ay mga domestic helper o di kaya nama’y mga trabahong kabilang din sa tinatawag na 3D jobs--dirty, difficult and dangerous--katulad ng caregiving, ‘cultural entertainers’ o pinabangong tawag sa mga nagpupunta sa Japan, at mga biktima ng white slavery o prostitusyon.
Ilan sa mga kilalang halimbawa ng ganitong klaseng pelikula ay Anak noong 2000, Milan noong 2004, at Caregiver noong 2008. Pero 1941 pa lamang ay may OFW Film na--ang Karayo, isang pelikula sa Ilocano na ginawa sa Hawai’i tungkol sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga pinyahan doon. Noong 1980 naman, ilang taon pagkatapos opisyal na gawing polisiya ni Marcos ang pagpapadala ng manggagawa sa labas ng bansa, nagawa ang Miss X na pinagbibidahan ni Vilma Santos tungkol sa biktima ng illegal recruitment na naging biktima rin ng prostitusyon. Si Nora naman ang bida sa‘Merika noong 1984 tungkol sa isang nurse sa Amerika na gusto nang bumalik sa Pilipinas. Parehong idirehe ni Gil Portes ang mga ito, na siya ring gumawa ng ilan pang OFW films nitong huling dekada tulad ng Homecoming at Barcelona. Nagkaroon din ng panahon noong 1990s kung saan nauso ang mga biopic ng mga inabusong OFW tulad ng The Flor Contemplacion Story (1995) at Sarah Balabagan Story (1996).
Hindi lamang sa komersyal na industriya ng pelikula mayroong mga OFW Films; ilan sa mga independent productions ay ang La Visa Loca (2003) na pinagbidahan ni Robin Padilla, Miss Pinoy (2005) kung saan bida si Judy Ann Santos, Balikbayan Box (2007), at ang Emir (2010) na pinondohan ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng Film Academy of the Philippines at NCCA. Meron din namang mga pelikulang ginawa ng mga taga-ibang bansa kung saan may mga tauhang OFW. Pinakabago dito ang Pinoy Sunday (2009) na ginawa sa Taiwan na pinagbibidahan ng dalawang Pinoy na artista.
Ilan lamang ito sa mga higit-kumulang labinlimang pelikulang nagawa tungkol sa mga migranteng Pilipino sa loob ng halos apat na dekada, na karamihan ay nasa komersyal na industriya at nagawa nitong huling dekada. Kapansin-pansin na karamihan sa mga kilala at kumitang OFW films ay ang mga ginawa ng Star Cinema, na kabilang sa mga kumpanya ng ABS-CBN, na siya ring may-ari ng The Filipino Channel, ang cable channel sa ibang bansa na nagpapalabas ng mga local na sitcom at pelikula. Milyon-milyon ang itinabo, halimbawa ng Anak at Caregiver kahit na sa pagpasok ng huling dekada ay napakahina ng industriya. Hindi na nanonood ng pelikula ang mga tao katulad ng dati, dahil na rin siguro sa pagtaas ng presyo ng ticket. Dahil dito, ang mga pelikulang ginawa ay yung mga siguradong kikita--gagamit sila ng mga malalaking artista katulad nina Vilma at Sharon. Bumaba na ng husto ang kalidad ng mga pelikula. Ang ibang mga kritiko nga ay idineklara nang patay ang Pelikulang Pilipino noon.
Nakitang puwang ng Star Cinema ang OFW films para pagkakitaan. Una, marami silang hawak na malalaking artista. Ikalawa, mayroon silang nakahandang tagapanood lalo na ang mga Pilipino sa ibang bansa na mayroong mga TFC. Kung kaya naman ang karamihan sa kanilang mga pelikula ay sumasalamin sa mga karanasan ng mga Pilipinong nangibang-bayan. Melodrama ang pangunahing genre ng OFW films at may pormulang sinusundan ang mga storya na pamilyar sa mga tagapanood. Sigurado ang kita ng ganitong mga pelikula.
Base sa aking pagaaral ng mga OFW films mula 1980 hanggang 2008, kakikitaan ng mga pagbabago sa diskurso ng pangingibang-bansa ang mga pelikula. Sa mga naunang OFW film tulad ng Miss X at ‘Merika, may pagaalinlangan ang mga tauhan na umalis ng bansa at minsan pa nga’y may pahaging na batikos tungkol sa pangingibang-bansa dahil siguro bawal punahin ang rehimen ni Marcos noong panahong iyon. Sa mga OFW films naman noong 90’s, tahasan na ang pagbabatikos dahil ang naratibo ng ganitong mga pelikula ay hango sa totoong buhay ng mga OFW na nakaranas ng pangaabuso sa ibang bansa tulad ni Flor Contemplacion. Ngunit pagdating ng dekada 2000s, naiba ang ihip ng hangin. Sinimulan ito ng Anak kung saan nabigyang-diin ang pagiging “bagong bayani” ng mga domestic helper katulad ni Josie, na ginampanan ni Vilma.
Ang diskurso ng “bagong bayani” ay inimbento ng estado para pagtakpan ang kakulangan nitong magbigay ng trabaho sa bawat Pilipino, lalo na ang mga hindi nakatapos ng pag-aaral at nangagailangan. Maganda sa pandinig, pero kung tatanungin mo naman ang mga OFW, wala sigurong sasagot na para sa bayan kung bakit sila umalis ng bansa--para ito sa kanilang pamilya. Binago na ng pelikula ang konsepto ng ‘bayani.’
Sa mga sumunod na pelikula ng Star Cinema, Milan, Dubai--lalo na ang Dubai--ay kakikitaan din ng ganitong pagdidiin. Sa Caregiver naman, ang pinakahuling pelikula ng Star Cinema na tungkol sa OFW, hindi na lamang pangangailangang pinansyal ang dahilan kung bakit nangibang-bansa si Sarah, isang guro sa pampublikong paaralan na ginampanan ng Megastar. Nais niyang maranasan ang mas maginhawang pamumuhay na ayon sa pelikula ay hindi makikita sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa. Maari itong basahin na indirektang pagbatikos sa kalagayan ng bansa ngunit sa huli, ang pelikula ay nangaakit ng mga tagapanood na subukang hanapin din ang maginhawang buhay sa labas ng bansa. Binibigyang-diin nito na ang pangingibang-bayan bilang kagustuhan ng indibidwal. Para bang sinasabing iwan na ang Pilipinas dahil wala ng pagasa dito.

Dagdag pa, kung papansinin ang mga pelikula sa kasalukuyan, itinuturing nila bilang isang natural o normal na bagay na ang pangingibang-bansa. Nawala na sa diskurso ang pagiging pansamantalang katangian nito na naaayon sa batas. Nabura na ang mababang pagtingin ng karamihan sa mga 3d jobs dahil sa pagganap nina Vilma at Sharon (na lumabas rin sa naunang pagaaral ni Roland Tolentino). Sa ganitong paraan, naging natural na rin o normal ang problema ng kawalan ng trabaho at kabiguan o pagkukulang ng estado na tugunan ito. Dahil may mga nakahandang trabaho naman sa labas ng bansa, hindi na dumadaing ang mga tao sa gobyerno na tugunan ang kawalan ng trabaho sa loob ng bansa. Naging normal at natural na rin ang paghihiwalay ng pamilya--ang mga magulang sa anak, ang mag-asawa.
Sa kasong ito, ang sining ng pelikula ay nagamit ng estado bilang katuwang nito sa pagtaguyod ng pangingibang-bayan. Ang maigting na panghihikayat ng gobyerno, lalo na noong panahon ni Gloria Arroyo, ay dahil sa bilyon-bilyong dolyar na ipinapasok ng mga OFW sa bansa. Wala nga namang kahirap-hirap sa ganitong kalagayan--kumukita ang gobyerno kahit hindi ito nagta-trabaho. Nagamit ang medium ng pelikula para mas madaling tanggapin ng mga tao ang pagiging natural o normal ng ganitong kalagayan.
Ngunit hindi lahat ng pelikula ay ganito. Nariyan ang mga pelikula sa independent cinema na mas malayang nakapagpapahayag ng pagbatikos sa polisiya ng estado ng patuloy na pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa labas ng bansa. Ipinapakita nila ang mga pangit na katotohanan ng pangingibang-bansa gayundin ang pagbabalik bansa. Maraming programa ang gobyerno sa pagpapaalis ng mga Pilipinong manggagawa, ngunit salat ito sa mga programa para sa mga bumabalik. Tuloy, nawawalan ng gana ang mga Pilipino na bumalik dito kahit gustuhin man nila.
Ang Sining sa Panahon ng Diaspora

Ang sining sa panahon ng diaspora ay higit na mahalaga upang patuloy na makatawag pansin sa mga isyu at diskursong nakapaligid sa usaping ito katulad na lamang ng mga nais ipahayag ng installation art ng mga Aquilizan tungkol sa pangingibang-bansa--ang mga alaala ng pinagmulang bayan na nakapaloob kahit sa mga maliliit at pangaraw-araw na bagay, ang pangungulila sa iniwang bayan na pinagkasya na lang sa mga balikbayan box na ipapadala dito. Sining ang naging takbuhan ng magasawa upang malampasan ang biglaang pagbabago sa kanilang buhay at upang bigyang kahulugan ang kanilang mga bagong realidad. Ang pagbuo ng sining ay ang pagbuo ng bagong buhay.
Dagdag pa, ang sining, katulad ng popular na sining ng pelikula, ay hindi rin dapat humiwalay sa kakayahan nitong magmulat sa nakararami. Dahil ang diaspora ng Pilipino ay hindi naman natin kagustuhan simula pa lang. Maaaring sa ngayon ay may mga pinili talagang umalis ng bansa, pero marami pa ring napipilitang iwan ang pamilya sa Pilipinas. Ipinipilit ito ng estado at ipinalalabas na kaaya-aya upang pagtakpan ang kanilang kapabayaan. Ang pagtugon sa kakayahang ito ang magsasabi kung ang sining ay nakakaugnay sa panahon at kontekstong pinanggagalingang nito.
Maraming salamat.

Thanks for sharing this Kei! Nakaka-relate ako bilang OFW! =)
ReplyDeleteSalamat din, Earvs! Keep safe. :)
ReplyDeletegusto ko yung sinabi mo na parang instrumento ng gobyerno na suportahan ang pag-alis ng mga OFW para kumitang kabuhayan kahit walang masyadong ginagawa. tama.
ReplyDeletebuti binanggit mo rin na may mga pinoy na nangingibang bansa dahil gusto nila, pwedeng para sa global experience or requirement ng trabaho--kaso madalas ito yung mga expat (sosyal na OFW? hehe)hindi yung manual labors.
salamat sa pagbisita ai!
ReplyDeleteyung ugali ng gobyerno natin na pa-petics petics lang pero may kita ay ugali rin ng maraming Pilipino. ayaw magtrabaho ng mabuti, kaso kadalasan ay wala ngang trabaho.
mas marami na nga ata ang umaalis ngayon dahil pinili nila ito, tulad na lang ng ilang estudyante ko. ito rin nga yung isa sa mga nagbagong diskurso sa OFW films. kung dati ay mga manual laborers lang na napilitan ang umaalis, ngayon mga nakatapos na talagang plano na simula't sapul ang pag-alis.